BAKIT KAILANGANG TUTULAN ANG PAGPUTOL NG MGA PUNO SA LUNETA HILL?
Nina: Joana Mae O. Valdez, Michelle Ugali, Teomari Carbero, Mark Aaron Carbero Kung ang mga pahayag ng SM City Baguio, ang ating pagbabasehan, tila nga tuloy na tuloy ang kanilang planong expansion upang lalong pang lubos na palakihin ang mala-higanteng mall sa tuktok ng Luneta Hill. Parang ang gustong palabasin ay wala na talagang magagawa ang lokal na gobyerno o ang mga taong bayan upang pigilan ang kanilang planong putulin, o i- “Earthball” ang humigit-kumulang 182 na puno dito. Kung sabagay, meron na nga naman silang permit galling sa DENR para sa pagputol ng mga puno at sa local na pamahaalan para sa pagpapatayo ng gusali. Meron din silang Environmental Compliance Certificate o ECC, na galling din sa DENR. Ang ECC ay nagpapatibay na ng plano ng SM Cuity Baguio ay hindi nakakasama sa kalikasan. Kung paano nila nakuha iyon, sa kabila nang malamang na pagkamatay ng 182 na puno hindi natin alam. Bakit ng aba dapat tutulan ang balak ng SM? Una, ang bawat isang puno ay kayan...