BAKIT KAILANGANG TUTULAN ANG PAGPUTOL NG MGA PUNO SA LUNETA HILL?
Nina:
Joana
Mae O. Valdez, Michelle Ugali, Teomari Carbero, Mark Aaron Carbero
Kung ang mga pahayag ng
SM City Baguio, ang ating pagbabasehan, tila nga tuloy na tuloy ang kanilang
planong expansion upang lalong pang lubos na palakihin ang mala-higanteng mall
sa tuktok ng Luneta Hill. Parang ang gustong palabasin ay wala na talagang
magagawa ang lokal na gobyerno o ang mga taong bayan upang pigilan ang kanilang
planong putulin, o i- “Earthball” ang humigit-kumulang 182 na puno dito.
Kung sabagay, meron na
nga naman silang permit galling sa DENR para sa pagputol ng mga puno at sa
local na pamahaalan para sa pagpapatayo ng gusali. Meron din silang
Environmental Compliance Certificate o ECC, na galling din sa DENR. Ang ECC ay
nagpapatibay na ng plano ng SM Cuity Baguio ay hindi nakakasama sa kalikasan.
Kung paano nila nakuha iyon, sa kabila nang malamang na pagkamatay ng 182 na
puno hindi natin alam.
Bakit ng aba dapat tutulan
ang balak ng SM? Una, ang bawat isang puno ay kayang magimpok ng libo-libong
litrato ng tubig. 182 pa kaya? Kapag natuloy nag plano ng SMC Baguio na
tanggalin o ptulin ang mga puno sa Luneta Hill, saan pa ba aagos and ulan kundi
sa mga mas mababang lugar tulad ng Session Road, Government Park Road at
Harrison Road na maaring maging sanhi ng pagbaha dito.
Pangalawa, Kung walang
mga punong maglilikom ng tubig ulan, maaring lumabot ng labis and lupa at
nagdudulot ng mga nakamamatay at nakapipinsalang landslide. Parang wala parin
tayong natutunan sa Ondoy, Popong, o sa bagyong Sendong na naghahatid ng
matinding kalamidad sa Mindanao.
Ang pangatlong dahilan ay
may kinalaman sa kalusugan. Nililinis din ng mga puno ang hangin sa pamamagitan
ng paglilikom ng mga nakapipinsalang Carbon sa himpapawid. Kapag mas kaunti,
ang puno sa isang urbanisadong lugar na tulad ng kinanalalagyan ng SM City
Baguio, mas madumi ang hangin at hindi naman kaila sa atin na sa mga puno rin
nanggagaling ang oxygen na ating hinihinga. Kapag kaunti na ang mga puno, mas
kaunti din ang malalanghap nating sariwang hangin.
Ilan lang ito sa mga
dahilan, kung bakit dapat tutulan ang plano ang SM City Baguio na putulin ang
puno sa Luneta Hill. Dahil kapag hinayaan natin ang SM City Baguio na
ipagpatuloy ang kanilang maitim na balak upang itaguyod ang kanilang ksakiman
sa pera, paano pa natin mapipigilan ang iba pang nagbabalak din gahasahin an
gating kalikasan?
Hahayaan ba natin
tuluyang mabura ang imahe at alala ng Baguio bilang “City of Pines?”
Comments
Post a Comment